ARESTADO ang apat na pinaniniwalaang bigtime pusher makaraang makumpiska sa kanila ang P36 milyong halaga ng shabu sa Cebu City.
Ang mga nadakip ay nakilalang sina Michael Carabaña, Arnold Arquiza, Jemuel Enrile at Agustin Quijano sa isinagawang buy-bust operation sa Urgello St., Brgy. Sambag 2.
Ayon sa pulisya, nahuli ang apat at nakumpiska ang P36 milyong shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya ng Cebu.
Isang linggo ang isinagawang paniniktik ng pulisya sa grupo hanggang sila ay masakote.
Inaalam pa ng pulisya kung sinu-sino pa ang ibang kasabwat ng apat.
Ayon sa impormasyong ipinarating kay Pangulong Rodrigo Duterte, napakatalamak ng droga sa Cebu.
Mayroon din umanong mga pulis at pulitikong sangkot sa sindikato ng droga sa nasabing lalawigan.
142