4-STAR RANK NI PNP ACTING CHIEF NARTATEZ, NAKADEPENDE SA SCHEDULE NI PBBM

NAKADEPENDE sa schedule ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggawad ng 4-star rank kay PNP Acting Chief PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Ito ay kasunod ng optional retirement ni dating PNP Chief at ngayo’y MMDA General Manager Nicolas Torre III.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, iskedyul ng Pangulo ang hinihintay para sa paggagawad ng ranggo, na gaganapin umano sa Malacañang.

Kapag naigawad ang 4-star rank, ganap nang magiging PNP Chief si Nartatez na nakatakdang magretiro sa Marso 19, 2027.

(TOTO NABAJA)

1

Related posts

Leave a Comment