42 TULAK NALAMBAT SA CAVITE

CAVITE – Umabot sa 42 hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang inaresto ng mga tauhan ng Cavite Police sa isinagawang magdamagang buy-bust operations sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (CPPO), isinagawa ang buy-bust operations sa pagitan ng alas-8:00 noong Biyernes ng gabi at hanggang alas-2:20 ng madaling araw nitong Sabado sa limang siyudad at walong bayan ng lalawigan.

Nanguna ang Imus City sa painakamaraming tulak na naaresto na umabot sa 15, sumunod ang Dasmariñas City (5); tig-4 sa Bacoor City at General Mariano Alvarez (GMA); Naic (3), tig-2 naman ang Cavite City, Gen. Trias City at Silang habang tig-1 ang Amadeo, Carmona, Magallanes , Kawit at Mendez o kabuuang 42 katao.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na nakakulong na sa Cavite Custodial Center. (SIGFRED ADSUARA)

89

Related posts

Leave a Comment