425 VOLCANIC QUAKES NAITALA SA MAYON

UMABOT sa 425 volcanic earthquakes ang naitala sa Mayon Volcano sa nakalipas na magdamag, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Nananatili sa Alert Level 3 ang bulkan, indikasyon ng mataas na posibilidad ng mapanganib na pagputok.

Patuloy ang pagdaloy ng lava at naitala rin ang halos 396 rockfall events, habang may pagbuga ng usok na umabot sa 700 metro ang taas.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone, pati ang pagpapalipad ng aircraft sa ibabaw ng bulkan.

Babala ng PHIVOLCS, posibleng magpatuloy ang lava flow, pagguho ng bato, at katamtamang pagsabog kaya pinaalalahanan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso.

(PAOLO SANTOS)

75

Related posts

Leave a Comment