429K SASAKYAN DUMAAN SA EDSA NOONG NOB. 17 – MMDA

NAITALA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pinakamataas na bilang ng mga sasakyang dumaan sa EDSA ngayong taon sa kalagitnaan ng buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Atty. Victor Nunez, director ng Traffic Enforcement Group ng Traffic Discipline Office ng MMDA, umabot sa higit 429,000 ang bilang ng mga sasakyang dumaan sa EDSA noong November 17.

“November pa lang kalagitnaan ay pumalo na ng more than 5 percent increase so expect pa natin na mas dadami pa habang papalapit ang Kapaskuhan,” ayon kay Nunez.

Dagdag ni Nunez, kapansin-pansin ang matinding daloy ng trapiko nitong weekend, bunsod ng paglabas ng malaking bilang ng motorista mula Metro Manila, bukod pa sa ilang aksidenteng naiulat sa mga kalsada.

Tiniyak naman ng MMDA na nagpapatuloy ang kanilang clearing operations, partikular sa mga Mabuhay Lanes, kasunod ng ulat na muling nagiging parking area ang ilang secondary roads.

(CHAI JULIAN)

100

Related posts

Leave a Comment