49% NG PAMILYANG PINOY NAGSABING MAHIRAP – SURVEY

KINOKONSIDERA ng 49% ng pamilyang Pilipino ang kanilang sarili bilang ‘mahirap’.

Ito ang lumabas sa pinakabagong self-rated poverty poll ng Social Weather Survey (SWS).

Sa katunayan, base sa national survey ng SWS na isinagawa mula June 25 hanggang 29, natuklasan ng SWS na 49% ng pamilyang Pilipino ay ni-rate ang kanilang mga sarili bilang mahirap, isang porsiyento lamang mula sa 50% na iniulat noong Abril.

Ayon sa survey, 10% ng mga respondents ay ni-rate ang kanilang mga sarili bilang “borderline” at 41% naman ay inisip ang kanilang mga sarili bilang ‘hindi mahirap’.

Iyong mga ni-rate ang kanilang mga sarili na hindi mahirap ay tumanggi rin na sila’y mahirap mula sa 50% noong buwan ng Abril.

Ang ipinagpapalagay na bilang ng self-rated poor families ay 13.7 milyon mula June 25 hanggang June 29, 2025, at 14.1 milyon mula April 23 hanggang April 28, 2025.

Ang nasabing bilang ng self-rated poor families ay resulta ng survey mula sa medium-population projection para sa 2025 ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Natuklasan sa June 25 hanggang June 29, 2025 survey na ang porsyento ng Not Poor families ay 41%, isang puntos na mababa sa record-high 42% noong April 23 hanggang April 28, 2025.

Ito’y 13% nang unang maiulat noong July 1985, at umabot sa record low nito na 8% noong July 1991.

Sinabi ng SWS na ang one-point decline sa nationwide ratings ay dahil sa pagbaba sa Visayas at Balance Luzon (o Luzon sa labas ng Metro Manila), pinagsama kasama ang pagtaas sa Mindanao at Metro Manila.

Ang Self-rated poverty ay pinakamataas sa Mindanao na may 69%, sinundan ng Visayas na may 60%, Balance Luzon na may 38% at Metro Manila na may 36%.

“It was worse in July 1985 when the Bishops-Businessmen’s Conference found that 74 percent of survey respondents considered themselves poor,” ayon sa SWS sa website nito.

“In the SWS surveys from May 1986 to the present, it reached as high as 72 percent in February 1992 and as low as 38 percent in March 2019,” ayon sa mga pollster.

Kumpara sa April results, sinabi ng SWS na ang self-rated poverty ay bumaba ng 7 puntos mula sa 67% sa Visayas at 5 puntos mula sa 43% sa Balance Luzon.

Gayunman, tumaas ito ng 8 puntos mula sa 61% sa Mindanao at 3 puntos mula sa 33% sa Metro Manila.

Sa kabilang dako, ang porsiyento ng borderline families ay tumaas sa 8% mula 6% sa Metro Manila, 10% mula sa 6% sa Balance Luzon at 12% mula sa 9% sa Visayas. Nanatili naman ito sa 10% sa Mindanao.

Kasabay nito, tumaas din ang Not Poor mula 24% ay naging 28% sa Visayas, habang bumaba naman ito mula 60% ay naging 57% sa Metro Manila at mula 29% ay naging 21% sa Mindanao. Halos hindi naman ito gumagalaw mula 51% ay naging 52% sa Balance Luzon.

(CHRISTIAN DALE)

127

Related posts

Leave a Comment