UMABOT sa 4,000 nurses ang nawalan ng trabaho sa ibang bansa dulot ng coronavirus disease-2019 (COVID-19).
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) consultant Marianito Roque, nagsimulang mawalan ng trabaho ang mga nars noong Setyembre 2020.
Ani Roque, nadiskubre ang malaking bilang ng mga nars na nawalan ng trabaho sa database ng Overseas Workers Assistance and Information System (OASIS) ng DOLE.
Sa kabila nito, maaaring magkaroon din ng trabaho ang 4,000 nars kung kukunin sila ng Department of Health (DOH) upang maging bahagi ng ‘sundalo’ ng health workers na humaharap at nangangalaga sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Nananatiling bawal magtrabaho ang Filipino nurses sa ibang bansa, maliban sa United Kingdom (U.K.)
Batay sa kasaysayan, napakaraming Filipino nurses ang mas gustong magtrabaho sa ibang bansa dahil higit na mataas ang buwanang sahod kumpara sa Pilipinas. (NELSON S. BADILLA)
159
