4Ps NAKATUTULONG BA O NAGTUTURO NG PAGIGING TAMAD?

PUNA Ni JOEL AMONGO

IMBES na pandagdag sa kita ng bawat pamilya ang perang nanggagaling sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ilalim ng Department of Social Welfare and ­Development (DSWD), ay nagtuturo pa ito ng katamaran sa mga tao.

Ito ang natuklasan ng PUNA sa ilang araw na pananatili natin sa lalawigan ng Eastern Samar.

Base sa mga nakakwentuhan natin na may-ari ng sakahan sa nabanggit na probinsiya, nahihirapan na silang maghanap ng mga manggagawa na tutulong sa pagtatanim at pag-aani ng palay.

Ayon sa kanya, wala nang tumatanggap sa kanyang alok na tumulong sa kanya sa pagtatanim ng palay at pag-aani kapalit ang bayad na P400 kada araw.

Aniya, naging tamad na ang mga tao sa kanilang lugar dahil tumatanggap na sila ng buwanang ayuda mula sa 4Ps.

Imbes na pandagdag ang ayudang nagmumula sa 4Ps sa kita ng bawat Pilipino ay nagtuturo pa ito na maging tamad ang mga tao.

“Hindi nakabuti ang 4Ps sa mga mahihirap na pamilya dahil ito ang nagturo sa kanila sa pagiging tamad nila,” anang isang may-ari ng sakahan.

Layunin ng gobyerno sa pagkakaroon ng 4Ps ay para mabawasan ang kahirapan at matulungan ang pinakamahihirap na pamilya sa bansa.

Para makatulong sa kalusugan, nutrisyon at edukasyon ng mga kabataan na may edad na 0-14 anyos.

Ang criteria sa pagpili ng benepisyaryo ng 4Ps ay may tatlong steps. Ang criteria ay ang 20 poorest provinces based on the 2006 Family Income and Expenditure Survey (FIES), poorest provinces in six regions without a province in the list of the 20 poorest province, at five cities in the NCR, two in the Visayas, two in Mindanao and one in the Cordillera.

Nagkakahalaga ng P6,000 kada isang taon o P500 kada ­buwan sa bawat pamilya para sa kanilang kalusugan, at ­nutrisyon.

At P3,000 kada isang school year o 10 buwan o 300/buwan kada anak para sa education expenses. Maximum ng tatlong anak sa bawat pamilya ang pinapayagan.

Ang pamilyang na may tatlong kwalipikado ay may subsidy na P1,400 kada buwan o P15,000 kada taon.

Naalala ko tuloy ang sinasabi ng aking kaibigan na ­negosyante na ang kanyang mga anak ay hindi niya binigyan ng isda kundi panghuli ng isda.

Ibig sabihin tinuruan niya ang kanyang dalawang anak na maghanapbuhay at matutong magsarili na kumita ng sariling pera.

Hindi umasa ng suporta mula sa kanilang mga magulang kundi magkaroon sila ng sariling pagkakakitaan habambuhay.

Ganun na nga ang nangyayari sa ilang tumatanggap ng ayuda ng 4Ps, hindi na sila tumatanggap ng trabaho sa pamamagitan ng pagtatanim ng palay at pag-aani kundi nakatunganga na lang sila at antayin ang bigay sa kanila ng gobyerno.

Tsk! Tsk! Tsk! No Good!

Dapat masilip ito ng gobyerno lalo na ni DSWD Secretary Erwin Tulfo at pag-aralang mabuti para hindi na lang umasa sa ayudang kanilang tinatanggap mula sa 4Ps ang mahihirap na mga pamilya.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa ­joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

1000

Related posts

Leave a Comment