5 naputulan ng kamay sa paputok 2 PULIS, 2 SUNDALO KINASUHAN SA INDISCRIMINATE FIRING

paputok

MAY dalawang tauhan ng Philippine National Police at dalawang sundalo ang kasama sa anim na kaso ng indiscriminate firing na isinampa ng PNP kaugnay sa pagdiriwang ng Pasko, ayon sa datos ng pulisya.

Kasabay naman sa pag-akyat ng halaga ng mga ilegal na pyrotechnic products na nakumpiska ng pulisya, umabot sa 52 kaso ng firework related incident ang naitala, kung saan lima rito ang naputulan ng kamay at daliri.

Sa inilabas na datos ng PNP mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 25, umakyat na sa 6 insidente ng illegal discharge of firearms ang naitala kung saan isa ang sugatan, batay sa kanilang datos.

Ayon kay Police Col. Jean Fajardo, acting OIC ng PNP Public Information Office, kabilang sa sangkot sa insidente ng ilegal na pagpapaputok ng baril ng dalawang pulis at dalawang sundalo na kapwa sinampahan ng reklamo at kinumpiska ang kanilang mga baril.

“Doon sa 2 kaso wherein may 2 pulis na na-involve, ‘yung isa ay accidental firing ng kanyang sariling baril,” ani Fajardo.

‘Yung dalawang sundalo naman aniya ay “may mga sigalot na kinasangkutan” at naaresto na.

(JESSE KABEL RUIZ)

 

407

Related posts

Leave a Comment