5 PUMUGA SA BATANGAS REHAB NANG-HOSTAGE NG BUS

KAAGAD ding sumuko ang limang persons deprived of liberty na tumakas mula sa Batangas Rehabilitation Center sa Brgy. Malainin, Ibaan, Batangas ngayong Lunes.

Sa ulat, dakong alas-09:30 ng umaga ay ineskortan ng gwardya ang mga preso patungo sa public utility room.

Subalit biglang tinutukan ng ice pick ng mga inmate ang kanilang escort at inagaw ang kanyang service firearm.

Makaraang makakuha ng pagkakataon ay sabay-sabay silang tumakas sa direksyon ng Barangay Quilo na sinamantala naman ng iba pang preso.

Nang makarating sa highway ay kinomando ng mga ito ang isang pampasaherong bus sa STAR Tollway sa boundary ng Sto. Tomas City at Tanauan City.

Makalipas ang ilang oras ay sumuko rin ang mga ito sa mga otoridad. (TOTO NABAJA)

138

Related posts

Leave a Comment