6 NPA SUMUKO SA MILITAR

MAGUINDANAO – Anim na mga rebeldeng [Communist Party of the Philippines (CPP) – New People’s Army (NPA) – Terrorist] CNT ang sumuko sa militar at nagbalik loob sa pamahalaan sa Barangay Mirab, Upi, Maguindanao, iniulat nitong Sabado.

Malaking kawalan para sa humihinang kilusan ng teroristang grupo ang patuloy na pagsuko at pagbalik loob sa pamahalaan ng kanilang mga kasapi.

Ito ang sinabi ni Major General Juvymax R. Uy, commander ng 6th Infantry Division at ng Joint Task Force Central matapos ang sunod-sunod na pagsuko ng mga dating rebelde sa lugar na nasasakupan ng JTF Central.

Pinakahuli rito ay ang pagsuko ng anim na mga dating rebelde sa 6th Infantry (Redskin) Battalion at iprinesenta ang anim kay Maj. Gen. Uy sa Barangay Mirab, Upi, Maguindanao, nitong ika-6 ng Nobyembre 2020.

Ang anim ay kinabibilangan ng kanilang medic, assistant medic, isang team lider at tatlong miyembro.

Isinuko ng mga ito ang bitbit nilang mga armas na isang M16 rifle, kalibre .30, isang garand rifle, dalawang M79 rifle, isang kalibre .45, dalawang short aluminum magazine ng M16 at mga bala, isang magazine ng kalibre .45 na may anim na bala, isang magazine ng kalibre .30 na may lamang limang bala at dalawang ammunition ng M79 na tinaguriang high explosive.

Tatlo sa mga dating rebelde na sumuko ay residente ng Lebak, Sultan Kudarat habang ang tatlong iba pa ay nakatira naman sa Upi, Maguindanao.

“Patunay lamang ito na patuloy nang humihina ang kanilang kilusan at hindi totoo ang mga ipinangako ng mga teroristang grupo,” pahayag ni Maj. Gen. Uy.

“Sobrang gutom at pagod ang aming nararanasan sa patuloy na pagtago sa mga kabundukan sa walang silbing pakikibaka. Dahil sa pandemya mas lalo kaming naghihirap dahil limitado ang aming galaw, dahil sa quarantine checkpoints ng gobyerno”, ang madamdaming pagsalaysay ng isa sa mga dating rebelde.

“There are infightings within the movement, among the leaders and the members of these CNTs which led to the surrender of the combatants. With these, we are delighted to note that a number of CNTs have accepted the offer of the government and return to the folds of law while restarting to live a normal life, giit pa ng Commander ng 6ID.

Dahil dito, patuloy na nananawagan si Maj. Gen. Uy sa mga nagkamali ng landas na tinatahak na iwaksi na ang kilusan at magbalik loob sa gobyerno para sa mas mapayapa at tahimik na pamumuhay. (BONG PAULO)

375

Related posts

Leave a Comment