70 GRAMO NG SHABU, HULI SA HVI SA RIZAL

RIZAL – Nasabat ng mga tauhan ng Cainta Police ang tinatayang 70 gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang drug bust operation sa Barangay San Juan, sa bayan ng Cainta noong Linggo ng madaling araw.

Ayon sa ulat, naaresto ang suspek na si alyas “Marvin,” 42, residente ng Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal, kabilang sa high value individuals (HVIs) sa drug watchlist ng Cainta MPS.

Napag-alaman, sa isinagawang operasyon bandang alas-4:25 ng madaling araw, nakuha mula sa suspek ang 13 plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 70 gramo at tinatayang P476,000 ang halaga.

Kasama rin sa mga nakumpiska ang isang motorsiklo, marked money, at iba pang drug paraphernalia.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cainta Police ang suspek na sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (NILOU DEL CARMEN)

51

Related posts

Leave a Comment