WALO katao ang sugatan habang 300 pamilya ang nawalan ng tirahan at tinatayang P2 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog nitong Sabado ng umaga sa Malabon City.
Ayon sa ulat, dakong alas-10:40 ng umaga nang magliyab ang ikalawang palapag ng bahay ni Neri Abagon sa P. Concepcion St., Brgy. Tugatog at mabilis na kumalat ang apoy sa ibang kabahayan.
Mabilis na nagresponde ang mga bumbero at idineklarang under control ang sunog dakong alas-4:20 ng hapon.
Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng walong nasugatan. (ALAIN AJERO)
271
