85 TAUHAN IKAKALAT NG MMDA SA 14TH WORLDSKILLS ASEAN MANILA 2025

NAGPALABAS ng paalala ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasunod ng pagbibigat ng trapiko sa Pasay City kaugnay ng idaraos na 14th WorldSkills ASEAN Manila 2025 mula Agosto 25 hanggang Agosto 30.

Gaganapin ang mga pangunahing aktibidad sa mga itinakdang lugar at petsa.

Sa Agosto 25 ang pagbubukas sa Mariott Grand Ballroom; sa Agosto 26 hanggang 28 ang main competition sa World Trade Center; Agosto 30 ang closing ceremony sa SMX Convention Center.

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga kalahok, guro, mag aaral, mga opisyal ng pamahalaan at mga katuwang na organisasyon ay pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista at commuter na iwasan muna ang mga naturang lugar upang hindi maipit sa  mabigat na daloy ng trapiko at naiwasan ang ang pag antala sa byahe.

Higit 85 tauhan ang ipakakalat ng MMDA upang magpatupad ng traffic management at emergency preparedness sa mga pangunahing ruta mula paliaparan patungong mga opisyal na hotel, competition venues at iba pang engagement areas.

Makikipag ugnayan din ang MMDA sa Philippine National Police (PNP), lokal na traffic units at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa kaayusan ang seguridad ng okasyon.

(CHAI JULIAN)

101

Related posts

Leave a Comment