9 ARESTADO SA CAVITE ONLINE SABONG

CAVITE – Sa mismong terminal ng sasakyan naaresto ang siyam katao na naaktuhan sa online sabong sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Indang sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga arestado na sina Jerrylan Basas, 36, operator; Bayani Bago, 55; David Jimenez, 59; Romeo Rodriguez, 63; Andy Estores, 40; Leopoldo Masaga, 60; Michael Hermoso, 35; Joel Pelle, 37, at Rey Binondo y Paje, 32-anyos.

Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Marvin Camerino ng Indang Police Station, dakong alas-2:50 noong Huwebes ng hapon, nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga operatiba ng Indang MPS matapos na makatanggap ng tawag na isang online sabong ang isinasagawa sa terminal ng sasakyan sa Indang-Tagaytay sa Poblacion 1, Indang, Cavite.

Pagadating sa lugar, naaktuhan ang mga suspek sa aktong nagpupustahan sa sabong gamit ang online na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakuha ng mga awtoridad sa lugar ang isang cellular phone, isang television at tinatayang P1,050 halaga ng pusta.

Ang mga arestado ay sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 (Other forms of gambling/Online sabong). (SIGFRED ADSUARA)

457

Related posts

Leave a Comment