9 FISHING VESSELS HULI SA QUEZON

SIYAM na commercial fishing vessels na may taglay na Danish Seine, o mas kilala sa tawag na “buli-buli o hulbot-hulbot” ang nahuli ng fisheries law enforcers ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) at iba pang ahensiya ng gobyerno, sa karagatan ng Barangay Tapucan sa Mauban, Quezon bago matapos ang taong 2020.

Umaga noong Disyembre 31, 2020 nang maispatan ang commercial fishing vessels na nakadaong sa berthing area ng Tupacan River, ng pinagsamang team ng BFAR 4A-Fisheries Protection Law Enforcement Group (FPLEG), 1st Quezon Provincial Mobile Force Company (1QPMFC) ng Philippine National Police Maritime Group, Naval Intelligence and Security Group (NISU-32) ng Philippine Navy, at Alpha Company ng 59 Infantry Battalion ng Philippine Army, sa isinagawang anti-illegal fishing operation sa nasabing munisipalidad

Ang inter-agency law enforcement operation ay bahagi ng ‘DA-BFAR’s intensified campaign to eliminate illegal, unreported, and unregulated fishing (IUUF), including hulbot-hulbot, which has led to heightened and more effective maritime patrol operations even during holidays’.

“We could not stress enough how proper enforcement of the fisheries laws is beneficial to the overall performance of the Philippine fishery sector. Billions are lost to illegal, unreported and unregulated fishing and if we truly commit to reduce unsustainable and destructive fishing practices as what the government through the DA-BFAR is doing now, our fisherfolk will truly benefit from this effort,” ani DA-BFAR national director Eduardo Gongona.

Sa isinagawang imbestigasyon, ang mga sasakyang pangisda ay ang FBca Ening-1, FBca Vanessa II, FBca Vanessa-I, FBca Leanel-M, FBca Ening, FBca Reana Lieh, FBca Lady Vanessa M. Uno, MBca Audrey-B, at FBca Vanessa-7.

Dalawa sa siyam na fishing vessels (FBca Vanessa-I at FBCA Vannesa-7) ay dati nang may record nang pagkahuli.

Sa tulong ng local government ng Perez at Alabat, ang mga sasakyang pandagat ay dinala sa Alabat, Quezon para sa impoundment, documentation at pagsasampa ng mga kaukulang kaso sa korte.

Ang mga may-ari ng commercial fishing vessels ay pinadalhan na ng ‘notices of violations’ ng Sections 86 (Unauthorized Fishing), 89 (Unregulated Fishing), 97 (Use of Destructive Fishing Gears), at 108 (Failure to Comply with Minimum Safety Standards) of Republic Act 10654 o ang Amended Philippine Fisheries Code.

Bukod dito, mahaharap din ang mga may-ari ng mga sasakyang pangisda ng kasong paglabag sa FAO 246-1, at maaaring patawan parusa dahil sa pag-iingat ng hulbot-hulbot, kasama ng iba pang paraphernalia.

Ang hulbot-hulbot ay itinuturing na nakasisirang fishing gear sa mga itlogan ng mga isda sa ilalim ng dagat dahil sa bigat ng mga ito.

Ang pag-iingat ng hulbot-hulbot, kasama ng iba pang paraphernalia, ay ipinagbabawal ng gobyerno sa ilalim ng amended Fisheries Administrative Order (FAO) 246-1.

Sa taong 2020, ang DA-BFAR ay nakapagsampa na ng kabuuang 793 IUUF-related cases habang 684 kaso ang naresolba na. (JOEL O. AMONGO)

262

Related posts

Leave a Comment