9-M SHABU NASABAT SA DRUG BUST SA PAMPANGA

PAMPANGA – Tinatayang P9 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa magkahiwalay na drug entrapment operation sa bayan ng Porac at lungsod ng Angeles sa lalawigang ito, noong Huwebes.

Unang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit-Pampanga PPO, Provincial Intelligence Unit- Pampanga PPO at Porac Special Drug Enforcement Unit ang isang hinihinalang drug pusher at nakuha sa pag-iingat nito ang 1.25 kilo ng shabu na P7.1 milyon ang halaga sa buy bust opration sa Barangay Sta. Cruz, Porac, Pampanga noong Huwebes ng gabi.

Sa report na tinanggap ni Police Regional Office 3 (RO3) Regional Director P/BGen, Valeriano de Leon, kinilala ang suspek na si Khalid Monte, kabilang sa high value individual target, at residente ng Angeles City, Pampanga.

Kabilang sa nakumpiska sa suspek ang 6 sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.25 kgs na P7.1 milyon ang halaga, isang cellphone,

black backpack; isang silver Toyota Corolla (TRA403) at marked money.

Samantala, tinatayang P1.9-milyong halaga ng shabu ang nakumpiska naman ng joint operatives ng Angeles City Police Station 2, AC

Intelligence Unit at City Mobile Force Company sa buy-bust operation sa Kalayaan St., corner Severino St., Barangay Lourdes North West sa Angeles City nito ring Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Orlando Dayrit, residente ng Sto. Domingo, Angeles City, nakumpiskahan ng 285 gramo ng shabu na ng P1.9 milyon ang halaga.

Ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Secs. 5 & 11, Art II ng RA 9165, ay nakapiit na sa Porac Police Detention Cell at Angeles City Police Station. (ELOISA SILVERIO)

217

Related posts

Leave a Comment