95TH NCAA WOMEN’S VOLLEYBALL: AU DUMIKIT SA FINAL 4

NAKABAWI ang titleholder Arellano University mula sa second set loss para talunin ang Letran, 25-14, 26-28, 25-19, 25-16 at dumikit sa Final Four spot ng 95th NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Nasa set point na ang Lady Knights, 24-19 nang umsikor ang Lady Chiefs ng limang sunod at gawing 24-24 ang iskor.

Pero, naunahan pa rin ng Letran ang Arellano para kunin ang second set.

Pagpasok ng third set, nabawi ng Arellano ang composure at muling dinomina ang kalaban at sa huli ay inilista ang ikaanim na panalo sa pitong laro at nanatili sa second spot ng team standings.

“Nanalo ka pero hindi gaanong kasaya kasi ang dami pa ring lapses yung team,” komento ni coach Obet Javier hinggil sa ‘consistency’ ng Lady Chiefs.

Muling nanguna sa puntusan si Regine Arocha na may 19 points, kasama ang tatlong service aces, habanag si reigning MVP Necole Ebuen at si Carla Donato ay nagsipag-ambag ng 13 at 12 points para sa Arellano.

Si Chamberlaine Cuñada ay may 16 points at si Julienne Castro naman ay may 10 points at 10 digs para sa Lady Knights, na nalaglag sa 3-3, sa likod ng San Beda (4-2).

Nagtala naman si Jesrael Liberato ng 17 points, kasama ang three blocks nang talunin ng Arellano Chiefs ang Letran Knights, 25-22, 25-12, 25-17, sa men’s division para sa 5-2 card.

Wagi rin ang Arellano sa juniors division nang maitala ang ikapitong sunod nitong panalo, 25-12, 25-21, 23-25, 25-20 laban sa Letran. (VT ROMANO)

372

Related posts

Leave a Comment