PINASINAYAAN ng Bureau of Customs (BOC), Sub-Port of Mindanao Container Terminal (MCT) ang bagong gusali nito sa Phividec Industrial Estate sa Tagoloan, Misamis Oriental, noong Agosto 22, 2023.
Sa nasabing bagong pasilidad, layunin ng MCT Subport na pataasin ang kanilang revenue contribution pati na rin ang pagpapaganda ng kanilang mga serbisyo sa stakeholders.
Pinangunahan ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang ribbon cutting at pagbabasbas sa bagong gusali na magiging tahanan ng mahalagang BOC frontline offices sa MCT, kasama ang Customer Care Center, Sub-port Collector’s Office, Assessment Division, Operations Division, Export Division, Piers and Inspection Division, at pangunahing mga departamento.
Sa kanyang talumpati, kinilala ni Commissioner Rubio ang makabuluhang kontribusyon ng Sub-Port of Mindanao Container Terminal, sa accounts na mahigit sa 51% ng kabuuang revenue collection ng Collection District X.
Pinapurihan din niya ang kababaihan at kalalakihan ng Port of Cagayan de Oro sa pamumuno ni District Collector Alexandra Y. Lumontad, sa hindi matitinag na dedikasyon sa pagtupad sa mga mandato ng Bureau, katulad ng revenue collection, trade facilitation and border protection.
Muling pinagtibay ng Phivedic Industrial Authority (PIA) ang kanilang aktibong partnership sa Bureau of Customs sa pamamagitan ng donasyon ng 5,000 square meters ng lote sa loob ng Phividec Industrial Estate sa pamamagitan ng isang Usufruct Agreement.
Sa pamamagitan ng Cagayan de Oro at Misamis Oriental bilang gateways, ang BOC ay muling nagpalakas ng kanilang posisyon upang magsilbi sa pagpapalago ng ekonomiya ng Northern Mindanao.
“May it inspire you to reach greater heights, and may the bonds formed within these walls become a source of strength for the years to come,” ani Atty. Joseph Donato J. Bernedo, administrator and CEO ng Phividec Industrial Authority.
Ayon pa kay District Collector Lumontad, ang nasabing bagong gusali ay magtataas ng morale ng Sub-Port of MCT personnel sa pamamagitan ng napapanahong pagpapahusay ng kanilang kapaligiran sa pagtatrabaho.
“This will inspire them to work beyond the call of duty to maximize revenue collection, streamline customs processes, and prevent smuggling and other forms of fraud,” ani District Collector Lumontad.
(BOY ANACTA)
261