NAKAPAGTALA ng P75.642 bilyong koleksyon na nakalagpas sa kanilang official target na itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na P72.275 bilyon na katumbas ng 4.7% o P3.367 bilyong piso mula Enero hanggang Agosto 2023.
Bukod dito, ang tagumpay ng BOC ay lumagpas mula Enero hanggang Agosto 2023, na nakapagtala ng P582.133 bilyon sa revenue, na nakalagpas sa target na P567.740 bilyon sa pamamagitan ng 2.54%, o katumbas ng P14.393 bilyon.
Kung ikukumpara sa nakaraang taon na koleksyon na P558.455 bilyon sa parehong panahon, ngayong taon ang kita ay lumaki ng 4.24%, na nagkakahalaga ng P23.678 bilyon.
Ang kahanga-hangang pagganap ng BOC ay iniuugnay sa mabisang customs operations, pinahusay na aktibidad na kalakalan at matatag na koleksyon ng kita sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
Nagpahayag naman ng pasasalamat at papuri sa dedikadong kalalakihan at kababaihan ng Bureau si Commissioner Rubio para sa kanilang pambihirang pagganap, na hindi maikakailang naging instrumental sa pag-abot sa milestone sa kita na ito.
Ang pagganap sa tungkulin na itaas ang kita ay nagpapakita sa pagtupad ng pangako ng ahensiya sa pananagutan sa pananalapi at kanilang papel sa pag-aambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa at para sa katatagan nito.
Ang mga tagumpay na ito ay makapagbibigay ng pondo sa kinakailangang mga proyekto at mga serbisyo sa parating na mga buwan, na magbebenepisyo sa mga Pilipino.
“We will continue to monitor trade activities and implement measures to sustain this positive momentum in revenue collection, as part of the Bureau’s collaborative effort in further strengthening the nation’s financial standing,” ani Commissioner Rubio.
Bukod sa pare-parehong natatanging pagganap sa koleksyon ng kita, ang Bureau of Customs sa ilalim ng pangangasiwa ni Commissioner Rubio, ay matagumpay sa isinagawang 687 anti-smuggling operations, na nagresulta ng pagkakasabat ng P31.118 bilyong halaga ng iba’t ibang smuggled goods, ang pinakamataas sa nakalipas na limang taon.
Sa katulad na milestone sa pagpapadali ng kalakalan, ang BOC ay siniguro ang pangalawang pwesto sa Southeast Asian nations sa 2023 United Nations Global Survey na may kahanga-hangang kabuuang Trade Facilitation score na 87.10%.
Binibigyang-diin na ang mga milestone na ito ay mahalagang papel ng kawanihan na nagpapatibay sa katatagan ng pananalapi ng bansa at nagsusulong ng mahusay na mga kasanayan sa kalakalan.
(JOEL O. AMONGO)
114