PARANG dumadaan sa butas ng karayom ang tulong ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka, mangingisda at kooperatiba dahil sa sangkaterbang requirements na hinihingi ng ahensya.
Inihalimbawa ni Agri party-list Rep. Wilbert Lee ang P19.36 billion na nakalaan para sa post-harvest program ng DA ngayong 2023. Patapos na aniya ang taon ay mahigit P5 billion pa lamang ang nagagamit dahil 50 requirements ang kailangang ipasa ng mga magsasaka, mangingisda at mga kooperatiba bago sila matulungan sa pamamagitan ng nasabing programa.
“Dito po tayo talagang nadidismaya at nanghihinayang. We want the agency to spend the budget, help our people, and save lives. Sa ginagawa nating budget, hindi savings ang objective, service ang objective,” ani Lee.
Malaking kasalanan aniya ito sa mga magsasaka dahil mistulang ipinagkakait ng gobyerno ang ayuda at suporta na kailangan nila.
Dahil dito, nawawalan aniya ng pag-asa ang mga magsasaka dahil napakahirap kumpletuhin ang sangkatutak na requirements na para sa mambabatas ay gobyerno na mismo ang nagpapabigat sa pasanin ng nasabing sector.
Wala rin umanong silbi ang mga batas na ginagawa sa Kongreso tulad ng paglalagay ng pondo sa ganitong programa upang umunlad ang sektor ng pagsasaka dahil hindi naman ipinatutupad ng mga ahensya ng gobyerno.
“Kumbaga, nagluto ang Kongreso ng ulam, pero wala sa ating mga kababayan ang nakakain. Ang ginawa ng mga government agencies, dahil sa sandamukal at mission impossible na requirements, walang nakatitikim sa inihain ng Kongreso na budget para sa mga magsasaka at mangingisda to cooperatives and agricultural workers is not disbursed is the failure of agricultural workers and cooperatives to comply with myriad, cumbersome requirements,” dagdag pa nito.
(BERNARD TAGUINOD)
279