ASIA PACIFIC DISASTER RISK REDUCTION CONFERENCE GAGANAPIN SA PH

BIBISITA ang top UN official na si Special Representative of the United Nations Secretary-General (SRSG) for Disaster Risk Reduction H.E. Mami Mizutori, sa Pilipinas ngayong Oktubre upang pormal na simulan ang 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) kung saan magiging punong abala ang Philippine Government sa Oktubre 2024.

Sa pagbisita nito sa bansa, si SRSG Mizutori ay nakatakdang makipagkita kay President Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. at iba pang cabinet secretaries upang pag-usapan ang pagho-host ng Pilipinas sa conference at pabilisin ang disaster risk reduction sa bansa.

Noong Setyembre 26, 2023 nang lagdaan ni Pangulong Marcos ang Administrative Order No. 09 na bumuo sa Inter-agency Committee para sa 2024 APMCDRR kung saan ay itinalaga nito ang mga kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of National Defense (DND), bilang co-chairs, na pangungunahan ang preparasyon.

Ang paglulunsad ng Asia Pacific’s largest biennial conference para sa disaster risk reduction ay gaganapin sa 13 ng Oktubre 2023 at dadaluhan ng mga kinatawan mula sa national at local government, private sector, academe at scientific institutions, civil society, international development partners, at iba pang stakeholder groups.

Ang conference sa susunod na taon ay inaasahang dadaluhan ng mahigit 3,000 high-level international delegates. Ang APMCDRR ay nagsisilbing primary regional platform kung saan pinagsasama-sama ang global leaders upang subaybayan, pag-aralan at palakasin ang kooperasyon at implementasyon ng Sendai Framework for Disaster Risk Reduction 2015-2030 sa regional level.

Si SRSG Mizutori na pinamumunuan din ang United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR), ay magsisilbing keynote speaker sa Barangay Leaders for Resilience Forum na may titulong “Barangayan para sa Kalikasan at Bayang Matatag,” na gaganapin sa 12 Oktubre 2023. Ito ay magkatuwang na inorganisa ng DENR, DND Office of Civil Defense (OCD), Department of the Interior and Local Government (DILG), at ng National Resilience Council (NRC).

Tinatayang mahigit sa 300 barangay leaders mula sa mga probinsya ng Bataan, Rizal, Ormoc City, at Siargao, Surigao del Norte ang inaasahang magpapakita ng kanilang magagandang gawi sa larangan ng environmental protection, climate action, at disaster risk reduction. Ang local government units (LGUs) na ito ang naging pilot sites ng DENR sa kanilang Project TRANSFORM (Transdisciplinary Approach for Resilience and Environmental Sustainability through Multi-stakeholder Engagement). Ang forum na ito ay magsisilbi ring pagdiriwang ng 32nd anniversary ng pagpasa ng Local Government Code of the Philippines na kumikilala sa local government units bilang frontliners sa disaster risk reduction.

Ang opisyal na pagbisita ni SRSG Mizutori sa Pilipinas ay kasabay sa selebrasyon ng International Day for Disaster Risk Reduction na ipinagdiriwang ng buong mundo tuwing Oktubre 13.

(PAOLO SANTOS)

335

Related posts

Leave a Comment