NAGPALABAS ng public advisory ang Bureau of Customs (BOC) matapos na makatanggap ng mga ulat ng mapanlinlang na mga gawain na kinasangkutan ng mga indibidwal na nagpapanggap bilang mga kinatawan ng BOC.
Ang nasabing mga scammer ay muling nagpahayag na kailangan ang bayad para sa “CUSTOMS CLEARANCE TAX/FEES” para mai-release ang parcels o packages.
Ang mga ito ay nagpapadala ng pekeng “ACKNOWLEDGEMENT LETTERS” na may pangalan ng BOC officials o employees para makapambiktima sa pamamagitan ng pekeng proof of payment receipt.
Para malabanan ito, hinikayat ng BOC ang publiko na manatiling mapagbantay at i-report ang anomang kapareho nitong insidente sa BOC sa pamamagitan ng sumusunod na platforms:
– Email: boc.cares@customs.gov.ph
– Facebook Page: BureauOfCustomsPH
– Twitter: @CustomsPH
– Instagram: @customs.ph
Payo ng BOC sa publiko, manatiling mapagmatyag at agad i-report ang anomang kahina-hinalang komunikasyon.
228