BINIGYAN ng ‘Heroes Welcome’ ng National Capital Region Police Office sa pangunguna ng director nitong si PBGen Jose Melencio Nartatez Jr. ang 298 miyembro ng Regional Mobile Force Battalion, (RMFB) na idineploy para dagdagan magsisilbi sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 sa mga probinsya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Bukod sa pagkilala, binigyang papuri ni Nartatez ang kabayanihan ng RMFB contingents sa kanilang walang patid na pagtupad sa tungkulin para sa bayan.
“Sa ngalan ng Team NCRPO, binabati kita! Kayo ay naging mga tagapagbantay ng Team NCRPO. What you did there put a mark that anywhere else, kaya natin maglingkod at gampanan ng maayos ang ating trabaho o misyon na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan lalo na ang pagsiguro sa kaligtasan ng ating mamamayan,” anang RD ng NCRPO.
Ang unang batch ng mga contingent ay ligtas na dumating kamakalawa, Nobyembre 2, 2023, sa Villamor Air Base sakay ng C-295 aircraft at poker planes habang ang pangalawang batch ng contingent sakay ng C130 kahapon ng madaling araw.
Ang 298 miyembro ng NCRPO ay kasama ng 26 na Police Commissioned Officers (PCOs) ang nakakumpleto sa contingent kung saan sila ay naatasan na mamuno sa limang koponan na idineploy sa Munisipyo ng Maguidanao partikular sa Datu Piang, Pagalunan, Pandag, Rajah Buayan, at Sultan sa Barongis.
Sinabi pa ni Nartatez, ginampanan ng mga tauhan ng RMFB sa PRO BAR ay nagbigay ng karagdagang puwersa upang gampanan ang mga tungkuling may kinalaman sa halalan tulad ng pagpapatupad ng mga batas, tuntunin, at regulasyon, pagtulong sa mga kawani ng COMELEC, at pagbibigay ng seguridad sa mga polling center at iba pang lugar ng convergence sa partikular.
Kinilala at ipinahayag din ni Nartatez ang pantay na papuri sa lahat ng tauhan ng NCRPO na gumanap sa kani-kanilang tungkulin at nagsagawa ng iba pang mga gawain sa iba’t ibang polling center at mga lugar ng convergence sa National Capital Region.
210