BOC NAGSAGAWA NG NATIONAL SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL

PARA tiyakin ang kaligtasan ng mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC), nagsagawa ang ahensya ng kanilang quarterly National Simultaneous Earthquake Drill noong Nobyembre 8, 2023.

Ang aktibidad na ito ay nakalinya sa inisyatiba ng Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC).

Layunin nito na pahusayin ang paghahanda at kamalayan ng mga ahensya ng gobyerno at mga empleyado.

Ang drill ay naging matagumpay sa pamamagitan ng aktibong partisipas­yon ng kalalakihan at kababaihan ng BOC.

Ito ay pang-apat na drill na pinangasiwaan sa pamamagitan ng bureau para sa calendar year 2023.

Ang nasabing 4th quarter drill ay nakatuon sa communication and accounting processes. Ang komunikasyon ay mahalaga dahil malalaman ng bawat tauhan ng bureau kung ano ang gagawin sa panahon ng hindi inaasahang kalamidad.

Ang ‘accounting process’ naman ay mahalaga para sa pagtitiyak na ang bawat isa ay nakarating sa assembly area, sa labas ng gusali at para sa mabilis na pagkakakilanlan ng mga sugatan o nawawala.

Bago isinagawa ang drill ay ipinagkatiwala sa mga tauhan ng BOC ang hard hats, vests, megaphones, radios, at wheelchairs para sa kanilang kaligtasan.

(JO CALIM)

186

Related posts

Leave a Comment