PAGLAYA NI DE LIMA WELCOME SA FOREIGN ENVOYS

WINELCOME ng European Union (EU) at ni US ambassador Marykay Carlson ang paglaya ni dating Senador Leila de Lima matapos ang mahigit anim na taong pagkakabilanggo dahil sa kasong ilegal na droga.

Sa kanyang X (dating Twitter) account, sinabi ni EU Ambassador Luc Veron na siya ay “Very pleased by the news of Leila de Lima’s release. A significant step for rule of law in the Philippines.”

“A positive turn in the pursuit of justice! I hope that resolution of the remaining charges will be accelerated,” ayon pa kay Veron.

Kung matatandaan, matagal nang ipinanawagan ng EU ang pagpapalaya kay de Lima, kasabay ang apela ng European Parliament sa mga awtoridad ng Pilipinas na “drop all politically motivated charges against Senator Leila de Lima, to release her while she awaits trial, to allow her to freely exercise her rights and duties as an elected representative, and to provide her with adequate security and sanitary conditions while in detention.”

Taong 2017, inaprubahan ng parliamentarians ang isang joint resolution na nananawagan na palayain si de Lima at rebisahin ang war on drugs ng administrasyong Duterte.

Samantala, winelcome din ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ang pagpapalaya kay de Lima at sinabing patuloy nilang susundan ang kaso nito.

“Welcome news to see Leila de Lima approved for release at long last. We continue to follow her case closely and look forward to seeing the remaining charges against her resolved in accordance with Philippine law,” ang tweet ni Carlson.

Sa ulat, nakalaya na si de Lima makaraang payagan ni Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206 Judge Gener Gito na makapagpiyansa ang dating mambabatas sa kinahaharap nitong kaso.

“Sweet freedom” ang unang naging pahayag ni de Lima nang makalabas ng kulungan.

Nakulong si de Lima noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa mga nakakulong na drug lord sa National Bilibid Prison.

Kaugnay nito, hindi dapat hayaan na hindi mapanagot ang mga taong nagtulong-tulong para sampahan ng umano’y gawa-gawang kaso si de Lima para patahimikin ito sa war on drugs ni Duterte.

Ito ang iginiit ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.

“The fight for justice does not end here. We must hold accountable those responsible for her unjust incarceration and the trumped-up charges against her,” pahayag ni Brosas.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Brosas kung sino ang mga nagtulong-tulong para sampahan ng umano’y gawa-gawang kaso si De Lima subalit nangyari ito noong panahon ni Duterte habang iniimbestigahan ng dating senador ang war on drugs sa Davao City.

Iniugnay si De Lima sa umano’y illegal drug trade sa National Bilibid Prison at tatlong kaso ang isinampa na pawang non-bailable cases kaya nakulong ang dating solon ng 6 na taon at 8 buwan sa Camp Crame.

“Given, this development, we challenge the current DOJ headed by Sec. Remulla to begin investigating any culpability that Rodrigo Duterte may have in relation to the victims claimed by his drug war,” ayon pa kay Brosas.

Ayon naman sa kapartido ni De Lima sa Liberal Party (LP) na si Basilan Rep. Mujiv Hataman, ang pagpapalaya ng korte sa Senador sa pamamagitan ng bail ay patunay na politically motivated ang kasong isinampa laban sa kanya.

“Sa mata ng karamihan, lalo na doon sa sinusundan ang kanyang kaso, si Sen. Leila ay biktima ng political persecution. Huli man ang pagdating ng hustisya para sa kanya, nais nating magpasalamat sa kanyang pansamantalang Kalayaan,” ani Hataman.

(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

294

Related posts

Leave a Comment