CHR NILINAW ANG POSISYON KAUGNAY SA ABORTION

NAGLABAS na ng opisyal na posisyon ang Commission on Human Rights kaugnay sa usapin ng abortion.

Ito ay makaraang ipagpaliban ng Senado ang pagtalakay sa kanilang proposed 2024 budget nang hindi makapagbigay ng malinaw na stand sa isinusulong na decriminalization ng abortion.

Sa sulat na ipinadala ng CHR kay Senate President Juan Miguel Zubiri, nanindigan ang ahensya na tutol sila sa abortion maliban na lamang sa mga kaso na kinakailangan itong gawin for medical reasons.

Pirmado nina CHR chairperson Richard Palpal-latoc, Commissioners Beda Epres at Monina Zenarosa ang sulat.

Ipinaliwanag pa ng CHR sa sulat na tumatalima sila sa probisyon sa 1987 Constitution kaugnay sa equal protection ng buhay ng nanay at ng unborn child.

Nangako rin ang CHR ng patuloy na suporta sa international human rights framework, kasama na ang mga mekanismo nito at mga rekomendasyon kabilang ang mga karapatan ng mga babae.
Bilang tugon, sinabi ni Zubiri sa mga mamamahayag na posibleng ibalik na sa plenary deliberations ang proposed budget ng CHR sa Lunes, November 20.

(DANG SAMSON-GARCIA)

335

Related posts

Leave a Comment