8 BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITMENT NASAGIP SA ZAMBOANGA

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Zamboanga International Seaport (ZIS), ang walong Malaysia-bound workers na gumagamit ng bogus na mga dokumento, ayon sa report na nakarating sa main office ng ahensiyang ito.

Ayon sa naturang report, pasakay sa isang pump boat na MV Antonio ang walo patungong Sandakan, Sabah.

Nagkunwari silang mga turista ngunit hindi kumbinsido ang mga tauhan ng Immigration sa naging paliwanag ng bawat isa. May nagsasabi na bibisita sa kanilang mga kaibigan, at iba naman ay bibili ng welding machines, kung kaya’t ipinadaan sa secondary inspection.

At kalaunan inamin ng walong Pilipino na magtratrabaho sila sa isang engineering shipyard company sa Kuala Lumpur.

Agad inilipat ang walong pinoy sa mga kamay ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) upang sumailalim sa masusing imbestigasyon nang sagayon ay matukoy ang nasa likod nito.

(FROILAN MORALLOS)

 

209

Related posts

Leave a Comment