2-DAY BASIC LIFE SUPPORT TRAINING PROGRAM ISINAGAWA NG BOC

PARA maging handa ang mga empleyado ng customs sa oras ng kalamidad, nag-organisa ang Bureau of Customs – Interim Training and Development Division (BOC-ITDD) ng dalawang araw na Basic Life Support Training program noong Nobyembre 9 at 10, 2023 sa ITDD Training Room, NPO Building.

Ito ay naaayon sa Joint Memorandum Circular No. 1, s. 2020 “Occupational Safety and Health (OSH) Standards for the Public Sector” and Republic Act No. 10121 o mas kilala bilang “Philippine Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Act of 2010”.

Sa tulong ng instructors mula Manila Risk Reduction Management Office (MDRRMO), ang piling mga opisyal mula iba’t ibang opisina ng BOC ay nagbahagi ng makabuluhang karanasan para sa Cardiopulmonary Resuscitation (CPR), Splinting and Bandaging, at Disaster Preparedness.

Ang okasyong ito ay isinagawa kasama ng suporta ng Bureau of Customs – Nationwide Simultaneous Earthquake Drill Committee na pinangunahan ni Vice-Chairperson Bienvenido Y. Datuin, Director of Financial Management Service, bilang bahagi ng Capacity Building Activities na inorganisa ng Interim Training and Development Division, Medical and Dental Division, at Human Resource Management Division.

Layunin ng pagsasanay na tulad nito na maging handa ang mga empleyado pagdating ng mga kalamidad na tulad ng lindol.
Nitong nakaraang araw ay niyanig ng malakas na lindol ang General Santos City na nagdulot ng pinsala sa mga gusali, iba pang mga ari-arian at ikinasugat ng ilang katao sa nabanggit na lugar.

(JOEL O. AMONGO)

196

Related posts

Leave a Comment