BINANATAN ni Vice President Sara Duterte ang grupo ni Speaker Martin Romualdez sa Kamara na nanghihikayat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makipagtulungan ang Pilipinas sa ginagawang imbestigasyon ng International Criminal Court sa anti-drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi ng batang Duterte na mismong si Pangulong Marcos na ang nagsabi noon na tapos na ang pakikipag-usap sa ICC nang kumalas ang Pilipinas noong Marso 2019.
Sabi ni Duterte, dapat igalang ng mga mambabatas ang pahayag ni Pangulong Marcos na aniya’y chief architect ng foreign policy ng Pilipinas.
“Any probe conducted by the ICC would be an intrusion into our internal matters, and a threat to our sovereignty… We are done talking with the ICC. Like what we have been saying from the beginning, we will not cooperate with them in any way, share, or form.
Matatandaang sinampahan ng kasong crime against humanity si dating Pangulong Duterte dahil nauwi na umano sa karahasan ang anti-drug war campaign.
