AKTIBIDAD NG MT KANLAON TUMAAS – PHIVOLCS

KINUMPIRMA ng state seismology agency na tumaas ang aktibidad ng seismic sa Kanlaon Volcano sa Negros Island noong Miyerkoles.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), 15 volcanic-tectonic na lindol ang naitala noong madaling araw ng Miyerkoles, at may enerhiya mula sa Richter local magnitude (ML) 1.4 hanggang 4.2

“May kabuuang labinlimang (15) volcano-tectonic o VT na lindol ang naitala ng Kanlaon Volcano Network sa pagitan ng 3:58 a.m. at 5:00 a.m., 22 November 2023. Ang mga lindol na ito ay may saklaw na enerhiya mula ML1.4 hanggang ML4.2 at naganap sa lalim ng 0 hanggang 2 kilometro sa ilalim ng hilagang bahagi ng hanay ng Kanlaon,” sabi ng Phivolcs.

Ayon pa sa Phivolcs, tumaas din ang mga emisyon ng sulfur dioxide mula Mayo ngayong taon. Ayon sa pinakahuling mga sukat ng ahensya noong Nobyembre 14, ang sulfur dioxide emissions ay umabot sa 1,017 metriko tonelada kada araw.

Nakapagtala ang Phivolcs ng 113 aftershocks kasunod ng pagyanig sa Davao Occidental

“Ang volcanic sulfur dioxide (SO2) gas emission mula sa summit crater ay tumaas mula noong 1 Mayo 2023, na may average na 570 tonelada kada araw mula noon, na ang pinakabagong pagsukat ng SO2 noong 14 Nobyembre 2023, ay may average na 1,017 tonelada kada araw,” dagdag nito.

Sa kasalukuyan, ang bulkan ay nasa Alert Level 1, na nagpapahiwatig ng “mababang antas ng kaguluhan ng bulkan.” Gayunpaman, sinabi ng Phivolcs na maaaring itaas ang alert level sa No. 2 kung ang bulkan ay nagpapakita ng “pagtaas ng antas kaguluhan”.

(PAOLO SANTOS)

254

Related posts

Leave a Comment