TARGET SA DRUG OPS, 4 PA TIKLO SA MAYNILA

UMABOT sa P244,8000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3, makaraang madakip ang isang hinihinalang tulak gayundin ang umano’y apat nitong kasabwat nang maaktuhan sa pot session sa isang barong-barong sa Barangay 310, Sta. Cruz, Manila nitong Huwebes ng madaling araw .

Kinilala ang target sa operasyon na si Allan Vina, 51, vendor.

Samantala, swak din sa selda ang apat nitong umano’y mga kasabwat na sina alyas “Mason”, 25; “Jonas”, 39; “Cedric”, 36; at “Jacky”, 37-anyos.

Base sa ulat na isinumite ni Police Executive Master Sergeant Rommel Fermin Rey, team leader ng SDEU, kay Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, station commander, bandang alas-1:20 ng madaling araw nang salakayin ang isang barong-barong sa naturang lugar, dahil sa tawag mula sa isang concern citizen, na may nagaganap umanong pot session.

Bunsod nito, nagkasa ng operasyon sina Police Corporal Ram Jay Belando, Police Corporal Jeffrey Castillo, Police Corporal Anthony Bernal at Police Corporal Rudvian Manlapas, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 36 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P244,800 ang halaga.

(RENE CRISOSTOMO)

187

Related posts

Leave a Comment