13K PULIS IKAKALAT SA TRASLACION 2024

PINAGHAHANDAAN din ng Philippine National Police ang gaganaping Pista ng Black Nazarene sa Enero 9, 2024 para matiyak ang kaayusan at kapayapaan ng inaabangan Traslacion 2024 na inaasahang dadagsain ng milyong deboto matapos ipatigil ito sa loob ng tatlong taon.

Kabilang sa paghahanda sa seguridad ay magtatalaga ang PNP ng mahigit 13,000 pulis na ipakakalat para sa pagbabantay sa inaabangang prusisyon ng Itim na Nazareno kasabay sa kapistahan ng Quiapo.

Ayon kay Philippine National Police chief, PGen. Benjamin Acorda Jr., target nitong mag-deploy ng kabuuang 13,691 mga pulis bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto sa naturang malaking aktibidad.

Sa nasabing puwersa ng mga pulis na target i-deploy sa naturang malaking aktibidad, aabot sa 5,602 police officers ang ipakakalat para sa pagbabantay sa isasagawang ‘walk of faith’ o prusisyon mula sa Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng umabot sa 2.5 milyon na mga lokal at deboto ang inaasahang makikiisa sa pagdaraos ng Pista ng Itim na Nazareno, at posible aniyang madagdagan pa ang nasabing bilang.

(JESSE KABEL RUIZ)

358

Related posts

Leave a Comment