BINIGYANG-DIIN ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang accomplishments ng Bureau of Customs (BOC) noong 2023 at binalangkas ang mga layunin para sa 2024 sa bureau’s New Year’s Call noong Enero 10, 2024.
Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng pangunahing mga opisyal ng BOC, kasama ang Assistant Commissioner, Deputy Commissioners, Service Directors, District Collectors, at Division Chiefs.
Ini-highlight ng Commissioner ang mga nagawa nila sa ilalim ng 5-point priority program, ang tagumpay sa digitalization ng 96.99% ng mga proseso ng customs.
Ipinagmalaki rin ng BOC ang kanilang naabot na record-breaking collection na P883.624 billion, pagmamarka ng 2.46% na pagtaas —P21.205 billion mas mataas sa nakaraang taon.
Binibigyang-diin din niya ang pangako ng BOC sa pagsulong ng teknolohiya at responsabilidad sa pananalapi.
Gayundin ang mga pagsisikap sa mabilis na kalakalan na umunlad sa pamamagitan ng estratehikong mga kasunduan, pinalakas ang ugnayang pangrehiyon, at matagumpay na pakikipag-ugnayan sa internasyonal.
Binanggit din ni Commissioner Rubio ang kasalukuyang mga pagsisikap upang ipatupad ang makabagong sistema para sa monitoring ng agricultural imports, pagpapakita ng maagap na paninindigan ng BOC sa pag-angkop sa umuusbong na dinamika na kalakalan.
Binigyang-diin ang pangako para sa border protection, ang BOC ay nakapag-report ng pagkakasabat ng smuggled commodities na umabot sa halagang P43.295 bilyon sa pamamagitan ng isinagawang 980 operations.
Bukod pa rito ang fuel marking program na nakapagtala ng 71.95 billion liters, na makabuluhang naiambag sa pagkamit ng halagang P234.18 billion sa duties and taxes.
Kasabay nito, ipinagdiwang din ni Commissioner Rubio ang pagkuha at pag-promote ng 605 individuals at inihayag ang nalalapit na pagpapalabas ng pinakahihintay na 2018 employee rewards sa first quarter ng 2024.
Kasama sa kanyang address, hinikayat ni Commissioner Rubio ang kalalakihan at kababaihan ng bureau na imantina ang buwelong ito, “Starting off is one thing, but maintaining momentum is another. We work diligently, pouring our time and energy into pursuits. And then time passes, and obstacles begin to take shape and come into view. Maintaining momentum is about pushing through these challenging moments. And I am counting on your unwavering support to carry on with our plans.”
(BOY ANACTA)
171