MISTULANG ipinahiya ng British rock band na Coldplay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang punahin nito ang perwisyong traffic sa Maynila.
Sa halip makisimpatiya kay Marcos at kondenahin ang grupo, inayunan ng mga nanood ng concert at maging ng mga netizen ang pahayag ng frontman ng foreign band na si Chris Martin.
Kinampihan din ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang pahayag ni Martin hinggil sa trapik.
“Thank you so much to all of you for coming through the traffic…holy sh*t.”Natatawang sabi ni Martin na sinundan ng “I think we’ve seen some traffic, but I think you have number one in the world … so thank you for making the effort to come through all of that bull***t to be here”.
Hindi rin nainsulto ang kasamahan ni Manuel na si Rep. France Castro lalo na’t nangunguna na ang Pilipinas sa may pinakamalalang trapiko sa 387 Metro sa buong mundo base sa pag-aaral ng TomTom International BV.
“Hindi natin sya masisi sa ganoong observation/comment dahil mukhang na-experience nya yung observation or study na we have the worst traffic in the world,” ani Castro.
May ilang netizens din ang nagsabi na sampal ito sa mukha ng gobyerno na hindi mareso-resolba ang problema sa trapiko sa Metro Manila.
(BERNARD TAGUINOD)
171