BOC NEWLY APPOINTED EMPLOYEES PINANUMPA NI COMMISSIONER RUBIO

PINANGUNAHAN ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang oath-taking ceremony para sa isang grupo ng newly appointed employees sa isinagawang Monday flag raising ceremony sa OCOM grounds ng Bureau of Customs (BOC).

Labinlimang indibid­wal ang inisyuhan ng promotional and original appointments para sa Customs Operations Officers at Administrative Aide positions.

Ang seremonya ay isang makabuluhang hakbang sa pag-secure ng mga appointee sa pangakong dapat tuparin ang trabaho at responsibilidad na nakaatang sa kani-kanilang mga ranggo.

Sa kanyang pananalita sa nasabing okasyon, binigyang-diin ni Commissioner Rubio ang mahalagang papel ng nasabing mga opis­yal na kanilang araw-araw na gagampanan sa operasyon ng custom, sinabing “Your work is at the very heart of what customs does, it entails facilitating trade, protecting our borders, and collecting lawful revenues.”

Sa pamamagitan ng bagong grupo ng mga bagong hinirang na mga empleyado ng BOC, inaasahan na malaki ang kanilang maiaambag sa pag-abot ng bureau sa revenue collections.

Kaugnay nito, patuloy ang pagsasagawa ng mga ganitong seremonya ng BOC sa pangunguna ni Commissioner Rubio, para makatulong sa pagpapaganda ng mabilis na kalakalan sa kawanihan.

(Boy Anacta)

1030

Related posts

Leave a Comment