MAPIPILITAN ang pamahalaan na gumamit ng kapangyarihan at puwersa laban sa mga taong magtatangka na ihiwalay ang Mindanao mula sa Pilipinas gaya ng ipinanawagan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“The National Government will not hesitate to use its authority and forces to quell and stop any and all attempts to dismember the Republic,” ayon kay National Security Adviser Secretary Eduardo Año.
“Any attempt to secede any part of the Philippines will be met by the government with resolute force, as it remains steadfast in securing the sovereignty and integrity of the national territory,” aniya.
Binigyang-diin ni Año ang kahalagahan ng “national unity, security and stability” sabay sabing ang panawagan na dibisyon o paghahatid sa bansa ay magpapahina lang sa ating pag-unlad.
“The strength of our country lies in our unity and any attempt to sow division must be rejected by all sectors unequivocally,” ani Año.
Si Año ay nagsilbing Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff at Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng administrasyong Duterte.
“It is imperative for all Filipinos to uphold the principles enshrined in our Constitution which espouses the unity and territorial integrity of our nation. Any suggestion of secession not only runs counter to the Constitution but also threatens to undo the hard-won gains of peace and development, particularly in Mindanao,” ayon pa rin kay Año.
Noong nakaraang linggo, inihirit ni Digong Duterte ang paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.
Sa pulong balitaan sa Davao, sinabi ng dating Pangulo na ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagkalap ng mga pirma.
Dumistansya naman ang mga senador sa panawagan ni Digong.
Walang Puwang
sa Bagong Pilipinas
Samantala, isang linggo matapos ilunsad ang “Bagong Pilipinas” governance branding, iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na walang puwang sa administrasyong Marcos ang mga naghahatakan pababa at paninira laban sa pamahalaan.
Ito ay sa gitna ng patuloy na hidwaan sa pagitan ng mga Marcos at Duterte.
Sa latest vlog ni Pangulong Marcos, sinabi nitong dapat tigilan na ang mga propaganda at hatakan pababa at sa halip ay unahin ang kapakanan ng bansa at mamamayan.
Walang pinangalanan ang pangulo sa naturang video pero iginiit nitong sa ilalim ng Bagong Pilipinas, hindi na pwede ang mga tamad at maton.
Sinabi pa ng Pangulo na ang bagong Pilipinas ay imbitasyon sa bawat Pilipino na maging kabahagi ng pagbabago at pagpapahusay sa bansa.
(CHRISTIAN DALE)
258