3 REGIONAL WAGE BOARDS, WALA PANG ORDER SA TAAS-SAHOD NG KASAMBAHAY

TATLONG regional wage boards na lamang sa bansa ang hindi pa naglalabas ng mga utos sa pagtaas ng sahod para sa mga domestic worker (kasambahay), ayon sa isang labor official noong Martes.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez, ito ay ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa Central Luzon, Central Visayas, at Davao Region.

Ayon sa DOLE, nagkabisa noong Hunyo 2022 ang huling wage order na inilabas sa mga rehiyong ito.

Kasabay nito, iniulat din ni Benavidez na 13 wage boards ang nag-apruba ng mga pagsasaayos sa sahod para sa mga domestic worker.

“A total of 13 out of the 16 regional wage boards have already issued wage orders for domestic workers,”sabi ni Benavidez.

Sinabi pa ni Benavidez, 13 wage orders para sa domestic workers ang inisyu ng RTWPVs na ginawang “motu proprio”.

Ang mga rehiyong ito ay National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Soccsksargen at Caraga.

Inaatasan ang RTWPBs na repasuhin, tukuyin at ayusin ang minimum na sahod ng mga domestic worker sa pana-panahon, alinsunod sa Republic Act 10361 o ang Kasambahay Law.

(JOCELYN DOMENDEN)

165

Related posts

Leave a Comment