PAGBUSISI NG SENADO SA P11-B SHABU TATAPUSIN NA

SEN RICHARD GORDON

(Ni NOEL ABUEL)

Nangako ang pinuno ng makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee na tatapusin na sa Lunes ang imbestigasyon nito kaugnay sa P11 bilyong halaga ng shabu na pinaniniwalaang naibenta na ng drug syndicate dahil nakalusot ito sa mga awtoridad.

Ani Senador Richard Gordon, chairman ng nasabing komite, huli nang kokonprontahin sina Marina Signapan at Emilyn Luquingan sa ika-21 pagdinig ng imbestigasyon ng komite.

Bahagyang naantala ang pagbusisi sa nawawalang shabu dahil ayaw dumalo nina Signapan at Luquingan.

Ang layunin ng pagdalo ng imbestigasyon ay upang matukoy ang taong nag-utos na kunin muli ang mga kahon at ibalik sa Malaysia.

Si Signapan ay may-ari ng SMYD Trading na consignee ng apat na magnetic lifters na pinaglagyan umano ng P11 bilyong halaga ng shabu na iniwan sa isang bodega sa Cavite, ngunit nawala ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Si Luquingan naman ay asawa ni Pony Chan na nagbayad sa renta sa bodegang pinagtaguan ng magnetic lifters.

Sina Luquingan at Signapan ay kasama sa apat na ‘mahahalagang’ tao na ipina-contempt at ipinaaresto ng Senado dahil sa paulit-ulit na pagbalewala sa imbestigasyon ng Senate Bue Ribbon Committee hinggil sa multi-bilyong shabu.

Ang dalawang iba pa ay sina dating PDEA Deputy Director Ismael Fajardo at Supt. Eduardo Acierto.

122

Related posts

Leave a Comment