PAGBIBITIW NI DND SEC. TEODORO FAKE NEWS

MISMONG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang nagdeklara kahapon na fake news ang kumakalat na balita sa social media na tuluyan nang nagbitiw sa kanyang gabinete si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro.

Ayon sa inilabas na statement ni DND Public Affairs Service chief, Director Arsenio Andolong, ” There is no truth to the rumor perpetrated by certain sectors online about the supposed resignation of Secretary of National Defense Gilberto C. Teodoro, Jr. We call on those who purposely propagate unfounded lies to be circumspect and refrain from spreading misinformation and disinformation.”

“Si Sec. Teodoro at ang kagawaran mismo ay nakatutok sa pagpapalakas ng kapasidad ng Pilipinas na maprotektahan ang soberanya at territorial integrity ng bansa,” ani Andolong.

“We urge the public to be vigilant against misleading claims that aim to sow discord among the Filipino people and divert our attention from the real challenges that beset our country.”

Kahapon ay mariing itinanggi ni Pangulong Marcos ang lumabas na balitang binitiwan na ni Teodoro ang kanyang defense portfolio.

Iginiit ni Pangulong Marcos na fake news ito at desperado na aniya ang nag-imbento nito para lamang gumawa ng gulo.

Sa katunayan aniya, tinawagan niya si Sec. Teodoro, at tinanong kung magbibitiw na ba ito sa pwesto.

Panawagan naman ng Pangulo sa publiko na huwag basta maniwala sa mga chismis lalo’t kung walang pruweba.

Kung may pagbabago man aniya sa gabinete, ay sila mismo ang mag-aanunsyo nito at hindi ang kung sino-sino lamang.

Ayon naman kay Communications Secretary Cesar Chavez, nananatiling buo at hindi natitinag ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Teodoro.

Kabaliktaran aniya ito sa kumakalat na mga sabi-sabi na layong sirain ang pagkakaisa sa organisasyon na nais lamang protektahan ang publiko at depensahan ang teritoryo ng bansa.

Wala aniyang lugar sa kanila ang pamumulitika dahil abala sila sa kanilang misyon na pagsilbihan ang bayan. (JESSE KABEL RUIZ)

78

Related posts

Leave a Comment