ICRC SA UKRAINE PINASABUGAN 3 PATAY, 2 SUGATAN

KINONDENA ng pamunuan ng International Committee of the Red Cross ang pambobomba sa isang aid distribution site sa Donetsk region, sakop ng eastern Ukraine.

Sa ibinahaging report ng lokal na tanggapan ng ICRC sa Pilipinas, may tatlo silang tauhan na namatay sa isinagawang shelling sa Donetsk region noong Huwebes ng umaga.

Bukod sa tatlong aid workers ay may dalawa pang malubhang nasugatan, kabilang ang isang nasa kritikal ang kondisyon.

Sinasabing tatlong staff members ng International Committee of the Red Cross (ICRC) ang tinamaan sa pambobomba habang inihahanda ang planned frontline aid distribution.

Mapalad na walang namang nadamay na sibilyan sa pagsabog dahil hindi pa napasimulan ang pamamahagi ng kahoy at coal briquettes sa pamayanan ng Viroliubivka para sa paghahanda sa parating na winter season, nang pasabugin ang ginagamit nilang sasakyan.

“I condemn attacks on Red Cross personnel in the strongest terms. It’s unconscionable that shelling would hit an aid distribution site. Our hearts are broken today as we mourn the loss of our colleagues and care for the injured. This tragedy unleashes a wave of grief all too familiar to those who have lost loved ones in armed conflict,” mariing pahayag ni ICRC President Mirjana Spoljaric.

“Another Russian war crime. Today, the occupier attacked vehicles of the International Committee of the Red Cross humanitarian mission in the Donetsk region,” pahayag naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy sa kanyang X account, dating Twitter. “In this war, everything is absolutely clear — Russia sows evil, Ukraine defends life,” ani Zelenskiy.

Ayon sa lokal na tanggapan ng ICRC sa Pilipinas, ang kanilang mga kasamahan ay regular na naroroon sa Donetsk region, at ang kanilang sasakyan ay malinaw na markado ng Red Cross emblem. Ang pagkamatay ng kanilang mga kasamahan ay naganap sa gitna ng lumolobong bilang ng mga namamatay na humanitarians sa buong mundo nitong nakalipas na dalawang taon.

Muli nagpaalala at nanawagan ang ICRC na kilalanin at igalang ang international humanitarian law, at maging maingat sana para huwag madamay sa armadong tunggalian ang aid workers at huwag idamay ang humanitarian activities. (JESSE KABEL RUIZ)

63

Related posts

Leave a Comment