17 ARESTADO SA ILLEGAL FISHING SA QUEZON

QUEZON – Inaresto ng mga awtoridad ang 17 sakay ng isang commercial fishing boat dahil sa ilegal na pangingisda sa karagatan malapit sa Balesin island, sa bayan ng Polillo sa lalawigan noong Huwebes ng umaga.

Nasabat ng nagsanib pwersang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4A – Fisheries Protection and Law Enforcement CALABARZON, kasama ang Naval Forces Southern Luzon, PNP Polillo Maritime Group, at mga tauhan ng Philippine Army at ang Bantay Dagat Polillo, ang isang unmarked commercial fishing boat na napag-alamang gumagamit ng modified Danish seine o kilala sa lokal na tawag na “buli-buli”.

Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang bangka at ang fishing paraphernaliana na tinatayang P3 milyon ang halaga.

Ayon sa BFAR, ang buli-buli ay ilegal at ipinagbabawal itong gamiting pamamaraan ng pangingisda saan mang dako ng karagatang sakop ng Pilipinas.

Nakatakda namang sampahan ng kaso ang may-ari ng bangka at maging ang mga sakay na mangingisda ng kasong paglabag sa Sec. 97a ng RA 8550 as amended by RA 1065 o kasong illegal fishing. (NILOU DEL CARMEN)

126

Related posts

Leave a Comment