P48-B DROGA NASAMSAM NG PDEA

IDINEKLARA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umabot sa P47.94 bilyon ang halaga ng narcotics na nasamsam sa kanilang kampanya kontra ilegal na droga sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Base sa PDEA The NUMBERS of the National Anti-Drug Campaign, kabilang dito ang 6,231.13 kg. ng shabu, 74.72 kg. ng cocaine, 109,169 party drugs o ecstasy tablets, at 5,398.35 kg. ng marijuana na nasamsam mula Hulyo 2022 hanggang Agosto 31 ngayong taon.

Samantala, 29,032 sa 42,000 barangay sa bansa ang idineklarang “drug-cleared” sa parehong panahon habang 6,484 ang patuloy na nililinis ng mga awtoridad.

Ang mga barangay na ito ay umabot na sa drug-cleared status matapos ang pagpapalabas ng sertipikasyon ng mga miyembro ng oversight committee sa barangay drug-clearing program, paliwanag ng ahensya.

Kaugnay nito, sa pinakahuling datos ng PDEA, 110,814 drug suspects ang naaresto, kabilang ang 7,050 high-value targets (HVTs) sa buong bansa sa loob ng inilunsad na 81,679 anti-illegal drug operations.

Habang umabot naman sa 1,138 drug den at isang clandestine shabu laboratory ang winasak sa parehong panahon.

Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 22, nangako si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang kanilang bloodless anti-illegal drug campaign.

Sinabi niya na ang paglipol ay hindi kailanman bahagi ng kampanya laban sa droga ng kanyang administrasyon. (JESSE KABEL RUIZ)

147

Related posts

Leave a Comment