INIUTOS na isailalim sa medico legal examination ang bangkay ng isang 22-anyos na ginang upang makumpirma kung hinalay ito matapos na hukayin at ipatong sa ibabaw ng nitso sa loob ng Ocaña Public Cemetery sa Barangay Ocaña, sa lungsod ng Carcar.
Kasabay nito ang paghahanap ng Carcar City Police Station sa isang lalaking itinuturing na ‘person of interest’ na posibleng umanong nagsagawa ng paghukay sa bangkay.
Ayon kay Police Lt. Col. Bryan O’Neil Salvacion, hepe Carcar City Police Station, noong Lunes ng umaga ay natagpuan ang bangkay na nasa labas na ng kanyang kabaong at walang saplot ng pang ibaba kaya hinihinalang ginahasa ito ng hindi pa kilalang suspek.
Nabatid na inilibing ang biktima noong Oktubre 19, 2024, matapos magkaroon ng kumplikasyon sa kanyang panganganak sa Vicente Sotto Memorial Medical Center noong Setyembre pero namatay noong Oktubre 9, 2024.
Kinumpirma ng mga awtoridad na mayroon na silang ‘person of interest’ na may posibleng may kakayahan na maghukay ng kabaong ng biktima kaya ipinag-utos na isalang ang bangkay sa forensic examination upang mapatibay lalo ang kasong kasong necrophilia na isasampa sa suspek. (JESSE KABEL RUIZ)
161