KINONDENA ng Malakanyang ang barbaric attack sa local broadcast journalist na si Ma. Vilma Rodriguez.
“These kinds of vile and atrocious acts have no place in our nation, which values freedom, democracy, and the rule of law above all,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cesar Chavez sa isang kalatas.
Nanawagan naman ang Malakanyang sa mga awtoridad na magsagawa ng ‘swift at impartial probe’ sa nasabing malagim na pangyayari.
Nakiisa rin ang Malakanyang sa mga naulila ni Rodriguez, 56, ng EMedia Productions Network, Inc., sa pagdadalamhati ng mga ito sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.
“We assure them, as well, of our commitment to pursuing truth and justice for Ms. Rodriguez,” sinabi ni Chavez.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nakaupo si Rodriguez sa loob ng kanyang tindahan kasama ang ina, kapatid na babae, at pamangkin nang sumulpot ang suspek at makailang ulit itong binaril dakong alas-8:45 ng gabi, noong Martes sa Comet Street, Barangay Tumaga, Zamboanga City.
“The investigation disclosed that the circumstances leading to this incident are not related to the victim’s work as a member of the media,” sinabi naman ni Colonel Kimberly Molitas, city police director ng lungsod. (CHRISTIAN DALE)
