MERALCO: SERBISYONG HANDA SA ANOMANG PANAHON

MARINIG lamang ng karamihan sa ating mga kababayan ang salitang Meralco ay nasa isip agad ang bayarin na ating obligasyon ng bawat pamilya. Ngunit marami ang hindi nakakapansin sa sakripisyo ng mga tauhan ng electric company lalo’t sa panahon ng kalamidad na mula pa sa panahon ng pandemic ay walang takot na hinarap ng mga ito ang panganib dulot ng nakamamatay na virus pero hindi ito alintana sa kanilang tungkulin upang mabigyan ang bawat tahanan ng magandang serbisyo.

Tradisyon sa maraming pamilyang Pilipino ang magsama-sama tuwing Undas upang alalahanin ang kanilang mga mahal sa buhay na yumao na. Nagmimistulang “family reunion” ng marami ang okasyon kung saan dito na rin nagkakamustahan ang mga matatagal nang hindi nagkikitang magkakamag-anak.

Ngunit sa gitna ng mga kwentuhan at kamustahan, may ilang Pilipino na hindi nakakasama sa mga ganitong pagdiriwang – higit lalo ang mga manggagawa na tuloy ang trabaho, may holiday man o wala.

Tulad na lamang ng mga linecrew ng Manila Electric Company (Meralco) na isinantabi muna ang pagdalaw sa mga puntod ng mga kapamilya noong Undas upang maghatid-serbisyo sa milyun-milyong customers nito.

Sa katunayan, mismong si Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe Zaldarriaga o mas kilala bilang si Manong Joe ang nakasaksi ng kabayanihan ng mga line crew.

Sa kanyang personal na Facebook account, ibinahagi ni Manong Joe ang mga retrato ng mga line crew na nagtatrabaho sa kanilang lugar noong a-uno ng Nobyembre. Ayon sa kanila, “upgrading” at “preventive maintenance” ang kanilang ginagawa.

Ganito na ang naging sinumpaang tungkulin ng mga line crew at empleyado ng Meralco – ang walang katapusang serbisyo-publiko hindi lang bilang isang pribadong kumpanya ngunit bilang parte ng pagmamalasakit at pakikipag-bayanihan sa mga Pilipino.

Ligtas at matiwasay na Undas ang ipinangako ng kumpanya kaya hindi nakakagulat ang pagsasakripisyo ng kanilang mga line crew.

Hindi ito ang unang beses na aktibo ang Meralco sa pagtatrabaho sa mga araw na walang trabaho o sarado ang opisina ng iba. Kung susumahin, palaging handa ang distribution utility sa anomang sitwasyon at panahon. Maaaring hindi ito naibabalita o napapansin ng publiko, ngunit hindi natitigil ang paniniguro ng Meralco na maayos at dekalidad ang serbisyong ibinibigay nila sa kanilang mga nasasakupan.

Bukod pa sa mga ganitong sitwasyon, higit na nararamdaman ang serbisyong Meralco sa mga panahon ng sakuna at kalamidad kung saan kalimitang nangunguna ang mga ito sa pagtulong sa marami nating kababayan. At hindi lamang ito para tumulong sa customers; maging ang mga bayan at probinsya na hindi sakop ng mga lugar na kanilang sineserbisyuhan ay naabutan ng tulong lalong-lalo na sa panahon ng kagipitan.

Nito lamang nakaraang buwan, hinagupit ng Bagyong “Kristine” ang kalakhang Luzon partikular na ang southern Luzon tulad ng Calabarzon at Bicol. Halos padapain ng bagyo ang lahat ng mga kabahayan at kabuhayan sa Bicol maraming lugar sa Cavite, Laguna, at Batangas. Ngunit tiniyak ng Meralco na naroroon ito upang tumulong sa pagbangon ng maraming Pilipinong sinubok ng pananalasa ng Bagyong “Kristine.”

Sa pangunguna ng One Meralco Foundation, sinuong ng mga volunteer at kawani ng Meralco ang mga baha at sinikap na marating ang Albay, Batangas at iba pang mga lugar na higit na nangailangan ng pag-agapay upang magpaabot ng libo-libong relief packs sa mga nasalanta.

Pagdating naman sa loob ng prangkisa nito, agarang pagtugon ang sagot ng Meralco sa lahat ng naapektuhan ng masamang panahon. Katulad ng paulit-ulit nitong ginagawa tuwing may kalamidad, mabilis na pansamantalang nag-aalis ng suplay ng kuryente ang kumpanya sa mga lugar na lubog sa baha upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Hindi rin iniinda ng mga line crew ng Meralco ang walang humpay na ulan at malalakas na hangin upang maisagawa ang maraming clearing operations at pagsasaayos ng mga kable na lumaylay o naputol dahil sa matinding epekto ng pag-ulan. Mabilis ding inaaksyunan ng Meralco ang mga poste at iba pang pasilidad ng elektrisidad na nasira dahil sa mga bagyo.

Ilang araw lamang ang kinailangan ng Meralco upang bumalik sa normal na operasyon ang humigit sa 500,000 customers na naapektuhan ng Bagyong Kristine. Kung ikukumpara ito sa ibang mga electric coops sa bansa, malinaw ang kinaiba ng mabilis at maayos na serbisyo ng Meralco – mula sa maagap na pag-aksyon hanggang sa mga pasilidad at kagamitan na kakailanganin sa power restorations, mayroon agad handa ang kumpanya.

Marami ring pasilidad ng Meralco ang nakakayanan ang malalakas na bagyo dahil sa tuloy-tuloy na pagpapaigting sa mga ito sa pamamagitan ng maintenance activities kahit walang aberyang nangyayari. Ito sana ang dapat tularan ng maraming electric cooperatives at distribution utilities sa ibang mga lugar sa bansa.

Kailangan matutunan ng mga ito ang epektibong estratehiya ng Meralco – ang pangangalaga

107

Related posts

Leave a Comment