DAGDAG TRABAHO, ASAHAN SA PAGLAGDA CREATE MORE ACT

ASAHAN ang dagdag na trabaho sa pagdagsa ng mga investor sa bansa sa sandaling malagdaan na ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act.

Ito ang iginiit ni Senate President Francis Chiz Escudero sa gitna ng nakatakdang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa batas ngayong Lunes.

Ang proposed CREATE MORE Act ay bahagi ng priority legislation ng administrasyon na naglalayong mapalago ang ekonomiya ng bansa.

Inaamyendahan ng panukala ang Republic Act 11534 o ang original CREATE Act na binalangkas para tulungan ang mga kumpanya na makabawi sa epekto ng pandemya sa pamamagitan ng pagpapababa ng corporate income tax rates.

“CREATE MORE seeks to encourage more investors to come to the Philippines by providing a more predictable and sustainable playing field,” saad ni Escudero.

Sa ilalim ng bagong batas, mas magiging simple ang mga probisyon sa value added tax sa ilalim ng RA 11534, partikular sa pagpoproseso ng VAT refund claims at VAT zero-rating sa local purchases.

Tiniyak ni Escudero na plinantsa na sa ilalim ng bagong batas ang mga magkakasalungat na mga regulasyon sa pagbibigay ng insentibo.

“The bottomline is that it will create a more favorable investment climate that will create more jobs, spur progress without harming our revenue base. Ang hanap lang naman ng mga negosyante ay clear, coherent, consistent rules subject to uniform interpretation and implementation,” diin ng senate leader.

Nakasaad sa bagong batas na nag corporate income tax rate sa local at foreign companies ay babawasan ng 20 percent mula sa 25 percent kasabay ng pagtataas ng mga deductions sa power expenses ng registered business enterprises (RBEs) sa 200 percent.

“The Philippines has among the highest power rates in the region so this will help us in becoming competitive in bringing in investors,” paliwanag pa ni Escudero.

Ang mga essential services tulad ng janitorial, security, financial consultancy, marketing at human resources ay exempted sa VAT.(Dang Samson-Garcia)

101

Related posts

Leave a Comment