PANGULO NG LESSANDRA HOA, INIREKLAMO SA AMIN

RAPIDO NI PATRICK TULFO 

ISA na namang kaso laban sa mga opisyal ng isang Homeowners Association diyan sa San Jose Del Monte, Bulacan ang inilapit sa amin.

Inirereklamo ng mga residente ng Lessandra Homes ang kasalukuyang pangulo ng kanilang asosasyon na si Diane Marie Nanao dahil overstaying na raw ito sa pwesto. Si Nanao raw ay naupo sa pwesto matapos na mamatay ang dating pangulo nila noong October 2023.

Ayon pa sa mga complainant, umakyat lang daw sa pwesto si Nanao bilang bise-presidente ng kanilang HOA (Homeowners Association) matapos magbitiw ang inihalal nilang bise, si Nanao ay ang dating sekretarya.

Mahigpit na kinukuwestiyon ng homeowners ang pag-upo ni Nanao sa pagkapangulo dahil hindi naman ito naihalal sa posisyon. At sinabing dapat ay nagpatawag ito ng eleksyon matapos na mamatay ang dati nilang pangulo.

Hindi raw nila gusto si Nanao dahil sa dami ng violation nito at maging mga kasama nito sa HOA.

Nakapagtataka rin na hindi raw pinapansin nina Nanao ang patawag ng Barangay at maging ng opisina ng mayor ng San Jose Del Monte, Bulacan nang ireklamo nila ito.

Nagdesisyon din daw ito na tanggalin ang kanilang HOA sa HOA Federation ng Brgy. Kaybian upang hindi na ito masakop ng naturang samahan.

Nagtataka naman ang inyong lingkod kung bakit dinismiss ng Human Settlements Adjudication Commission (HSAC) ng DHSUD Region 3 na pinangungunahan ni Dir. Julius Ervin Enciso, kanilang reklamo. Samantalang kinakitaan nga namin ng mga paglabag sa mga patakaran ng kanilang HOA sina Nanao.

Hindi man lang nagpatawag ng paghaharap ang opisina nina Dir. Enciso para makuha ang panig ng dalawang grupo.

84

Related posts

Leave a Comment