UPANG makamit ang totally drug-free city at maghatid ng tulong sa pamamagitan ng rehabilitation para sa drug users, ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay pumasok sa isang kasunduan sa pagitan ng ilang ahensya ng gobyerno.
Nilagdaan ni Mayor Honey Lacuna, kasama sina Vice Mayor Yul Servo at Secretary to the Mayor Marlon Lacson, ang memorandum of agreement sa pagitan ng TESDA, National Center for Mental Health, Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center, Caritas Manila, La Salle Greenhills at Manila Anti-Drug Abuse.
Ang agreement signing ay nataon sa observance ng “Drug Abuse Prevention and Control Week” na alinsunod sa Presidential Proclamation No. 124 s. 2001.
“Isasagawa natin ang pormal na paglagda sa kasunduan sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at ng iba’t ibang ahensya at organisasyon para mapaigting at mapalaganap ang ating serbisyo para sa ating mga Persons Who Use Drugs (PWUDs). Ikinagagalak namin dito sa Lungsod ng Maynila na maging katuwang kayo sa patuloy nating kampanya kontra sa illegal na droga, lalong-lalo na sa larangan ng Treatment and Rehabilitation,” pahayag ng alkalde.
Binanggit ni Lacuna ang papel na ginagampanan ng Manila Anti-Drug Abuse Office (MADAO) ng local government kung saan nagkakaloob ang lungsod ng libreng rehabilitation para sa PWUDs na ‘Moderate Risk’ lamang ang kategorya sa pamamagitan ng Community-Based Drug Rehabilitation Program.
Sa tulong ng Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center, sinabi ni Lacuna na ang PWUDs na kinokonsidera na may ‘Severe Dependence’ sa illegal drugs ay maaaring gamutin ng libre dahil sa nasabing agreement.
Samantala ang Caritas Manila naman sa pamamagitan ng kanilang ‘ Isang Paglalakbay o Sanlakbay Program’, ay magbibigay naman ng Faith-Based Approach Rehabilitation para sa PWUDs habang ang La Salle Greenhills at TESDA ay bahagi ng libreng alternative learning system (ALS) program at Technical-Vocational Training para sa Manilans na mayroong drug problems.
Ang National Center for Mental Health,ayon kay Lacuna ay tutulong din na magbigay ng assistance sa mga mayroong mental issues at kailangan ng tulong medikal dahil sa paggamit ng illegal na droga.
“Umaasa tayo na sa pamamagitan ng ating pagkakaisa at pagbabayanihan ay mas marami pa tayong matutulungan. Hangad din natin na sa pamamagitan ng ating mga pagkilos ay mas marami pang barangay ang tuluyang madedeklara bilang “Drug-Cleared Barangays”,” saad ni Lacuna.
“Drug menace is a societal concern that requires the attention and action from all sectors of society, beginning from its basic unit which is the family and their immediate community. Kailangan pa rin natin mabibigyang pansin ang tunay na pinag-uugatan ng problema.
At lahat nga tayo ay bahagi ng pagbibigay solusyon. Maraming salamat sa inyong pakikipagkaisa sa pamahalaang lungsod ng Maynila. Nawa, tayong lahat ay magtagumpay sa kanya-kanya nating gawain” dagdag pa nito. (JESSE KABEL RUIZ)
70