BICAM SA 2025 NAT’L BUDGET ‘SIKRETO’ PA RIN SA TAUMBAYAN

SA kabila ng mga panawagan, hindi pa rin binuksan sa publiko ang Bicameral Conference Committee sa 2025 national budget na nagkakahalaga ng P6.352 trillion na pormal nang sinimulan kahapon.

Una nang naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara para buksan sa publiko ang Bicam upang mabantayan ito at maiwasan na may mga isisingit na probisyon na wala sa orihinal na bersyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

“Public access to the proceedings of bicameral conference committees will serve as deterrent against questionable insertions and ensure that discussions remain within the scope of reconciling differences between the House and Senate versions,” ayon sa House Resolution (HR) 2067 ng Makabayan bloc.

Nais ng mga militanteng kongresista na maiwasang maulit ang nangyari sa 2024 national budget kung saang lumutang na lamang ang Ayuda para sa Kapos ang Kita program (AKAP) at pagpapahintulot sa mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) tulad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na gamitin ang kanilang sobrang pondo para pondohan ang mga proyektong hindi nilagyan ng pondo o ang tinatawag na unprogrammed appropriations (AU).

Gayunpaman, hindi ito pinagtibay ng liderato ng Kamara kaya hindi pa rin binuksan sa media ang kumperensya ng mga kinatawan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa kanilang mga dis-agreement provisions sa pambansang pondo.

Kabilang sa mga 13 congressmen na ipinadala ng Kamara sa Bicam sina House appropriation chairman Elizaldy Co, Marikina Rep. Stella Quimbo, Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker David Suarez at House Majority Leader Jose Manuel Dalipe.

Kasama din sa House contingent sina Reps Jude Acidre, Neptali Gonzales II, Jose Aquino II, Jill Bongalon, Eleandro Jesus Madrona, Michael John Duavit at House Minority Leader Marcelino Libanan.

Sa bersyon ng Kamara sa pambansang pondo, nilagyan ng mga ito ng P39 billion ang AKAP subalit binura ito ng mga senador subalit nagkasundo ang dalawang kapulungan ng P733 lamang ang ibibigay na pondo sa Office of the Vice President (OVP) sa 2025 na malayo sa P2.032 billion na nakapaloob sa proposed budget ng Department of Budget and Management (DBM). (BERNARD TAGUINOD)

56

Related posts

Leave a Comment